Home NATIONWIDE Garcia sa mga politiko na ‘di kasali sa BSKE: Maging neutral kayo

Garcia sa mga politiko na ‘di kasali sa BSKE: Maging neutral kayo

MANILA, Philippines- Hinikayat ni Commission on Elections Chairman George Garcia uang ibang politiko na hindi kasali sa eleksyon ngayong Lunes nah huwag makialam sa halalan, at sinabing mas mainam na manatili silang “impartial.”

“Pakiusap ko lang sa ibang pulitiko na hindi naman tumatakbo, sana huwag nang pakialaman ‘yung barangay and SK elections. Alam niyo po kaya nagugulo dahil sa inyo. Dahil kayo ang nagfi-finance, kayo tao-tao, bata-bata niyo. Sa totoo lang. Maging impartial na kayo o neutral,” ani Garcia sa briefing sa Abra nitong Linggo.

Ani Garcia, nakahahadlang ang pakikialam ng mga politiko sa trabaho ng Comelec.

“Pabayaan natin ang barangay. Pabayaan natin sila maglaban-laban. Magkakakilala ang mga ‘yan, magkakamag-anak. Nagkakasamaan na nga ng loob, madadagdagan pa dahil lang sa pag-uudyok ng mga ibang bumubulong. Huwag po sanang ganon,” wika niya. RNT/SA

Previous articleBSKE areas of concern bantay-sarado sa AFP
Next articlePagbabantay sa BSKE pinaigting ng election watchdogs