Home NATIONWIDE Garcia: Sabay na 2025 elections, Cha-cha plebiscite praktikal

Garcia: Sabay na 2025 elections, Cha-cha plebiscite praktikal

MANILA, Philippines- Magiging “logical and practical” dahil sa alalahanin sa budget ang panukalang idaos ang 2025 national and local elections at ang plebisito para amyendahan ang 1987 Constitution, sinabi ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Comelec chairman George Garcia, ang pagsasagawa ng hiwalay na botohan para sa plebisito ay gagastos ng karagdagang P13 bilyon.

Paliwanag ni Garcia, kapag hindi isinabay ang plebisito, may karagdagan pang P13 bilyon samantalang kung isasabay ito sa national at local elections ng 2025, ay hindi na kailangan ng P13 bilyon.

Idinagdag pa ni Garcia na hihilingin ng Comelec sa Kongreso ang usapin ng karagdagang honoraria para sa mga guro kung magkakaroon ng dagdag-gastos ang Comelec.

Ayon pa kay Garcia, walang legal na hadlang para sa plebisito at halalan na sabay na gaganapin.

“Walang probisyon sa saligang Batas o kahit anong umiiral na batas na bawal isabay ang national at local elections at ang isang plebisito,” sinabi ni Garcia. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleMaharlika target maglaan ng $1B pondo para sa energy projects
Next articleDigitization ng rekord ng mga PDL matatapos na – Catapang