Home METRO Gasolinahan sa Basilan, pinasabugan

Gasolinahan sa Basilan, pinasabugan

MANILA, Philippines – Niyanig ng malakas na pagsabog ang isang gasolinahan sa Lamitan City, Basilan nitong Martes ng gabi, Hunyo 18, kasabay ng selebrasyon ng ika-17 founding anniversary ng lungsod.

Ang malakas na pagsabog ay narinig mula sa gasolinahan na pagmamay-ari ng Mateo family sa Barangay Matibay bandang 6:47 ng gabi.

Sugatan sa insidente ang isang lalaking biktima na si Alwadun Asnain na dumaraan lamang sa gas station.

Ayon sa mga awtoridad, nasira ang cover ng fuel dispenser dahil sa pagsabog.

Narekober ng pulisya ang mga bahagi ng improvised explosive device katulad ng blasting caps at nine-volt battery.

Bago ang pagsabog ay nakatanggap na ng extortion letters mula sa hindi pa tukoy na source ang mga may-ari ng gasolinahan.

Kinondena ni Basilan Gov. Jim Hataman ang insidente habang nanawagan naman si Lamitan Mayor Oric Furigay sa publiko na manatiling alerto at kalmado. RNT/JGC