Home HOME BANNER STORY Gatchalian sa NTC: Pabayang telcos sa text scams panagutin

Gatchalian sa NTC: Pabayang telcos sa text scams panagutin

MANILA, Philippines – Hinimok ni Senador Sherwin Gatchalian nitong Miyerkules, Hunyo 19, ang National Telecommunications Commission (NTC) na ikonsiderang panagutin ang mga pabayang telecommunications firm na pumapayag sa mga illegal na aktibidad katulad ng text scam sa kanilang networks.

Ang pahayag na ito ni Gatchalian ay kasabay ng paghimok sa NTC na higpitan ang kanilang regulasyon sa pagpapalakas ng koordinasyon sa mga awtoridad sa paghahain ng mga reklamo laban sa mga subscriber na gumagamit ng kanilang SIMs (subscriber identity modules) para sa scamming activities.

“Unless those who allow their registered SIMs to be used for such nefarious activities are prosecuted, scamming by criminal syndicates, including those associated with POGOs (Philippine Offshore Gaming Operators), will continue to proliferate,” saad sa pahayag ni Gatchalian.

“The NTC should also consider penalizing telecommunications operators who are remiss in their duties under the SIM Registration Law that helped enable illegal activities on their networks,” dagdag ng senador.

Ang pahayag ni Gatchalian ay bilang tugon sa sinabi ng NTC na aminado silang talamak pa rin ang text scams sa kabila ng mandatory SIM card registration.

Sinabi rin ng NTC na ang mandatory SIM registration ay hindi nagsisilbing “silver bullet” laban sa text scams.

Ipinaalala ni Gatchalian sa NTC na ang batas ay malinaw na nagbibigay ng mandato sa kanila para sa responsableng paggamit ng SIM at palakasin ang mga awtoridad para labanan ang mga krimen sangkot ang mga SIM.

Sinabi rin ng senador sa NTC na isaprayoridad ang pagbusisi sa mga mensaheng ipinapadala sa pamamagitan ng text dahil ito ang primary platform para sa scamming activities. RNT/JGC