Home SPORTS Gawilan, Angel Otom pasok sa Paris Paralympics

Gawilan, Angel Otom pasok sa Paris Paralympics

Nakasungkit ang para swimmers na sina Ernie Gawilan at Angel Atom ng mga slot para sa 2024 Paris Paralympics, ayon sa Philippine Sports Commission.

Naibulsa ng dalawang para atleta ang slots sa pamamagitan ng Standard Slot Qualification Allocation Method kung saan ang bawat national paralympic committee, tulad ng Philippine Paralympic Committee, ay bibigyan ng mga puwang para sa isang lalaki at isang babaeng para swimmer batay sa kanilang world rankings.

Nauna nang sumabak si Gawilan sa 2016 Paralympic Games sa Rio at 2020 Paralympics sa Tokyo.

Nanalo rin siya ng mga gintong medalya sa 2018 at 2022 na edisyon ng Asian Para Games at sa ASEAN Para Games noong 2014, 2015, 2017, at 2022.

Previous articlePagsasampa ng kaso vs cyanide fishing sa Scarborough oks kay PBBM kung..
Next article1 sa 3 Pinoy nabibiktima ng malware sa paggamit ng removable devices – ulat