MANILA, Philippines – Magsisimula nang maningil ng P5 ang mobile wallet GCash para sa convenience fee sa bawat cash-in na transaksyon sa pamamagitan ng BPI at UnionBank account sa ikaapat na quarter ng 2023.
Sa isang pahayag, sinabi ni Globe President and CEO Martha Sazon na kahit na may ganitong bayarin, patuloy pa rin ang pag-subsidize ng kumpanya sa bahagi ng operating cost para sa mga cash-in.
Idinagdag niya na ang ₱5 na convenience fee ay mas mababa pa rin kaysa sa ₱25 na karaniwang sinisingil ng mga bangko at iba pang institusyong pinansyal para sa mga cash transfer.
Ang mga cash-in sa pamamagitan ng mga naka-link na bank account ay isang paraan upang magdagdag ng mga pondo sa isang GCash account. Maaari ring mag-cash-in ang mga user sa pamamagitan ng mga cash-in machine, partner convenience store, pawnshop, supermarket, department store, drug store, gas station, sari-sari store at retail store, bukod sa iba pa.
Hinimok ng GCash ang mga gumagamit nito na isaalang-alang ang kanilang inaasahang paggastos upang maiwasan ang pag-cash sa mas maliliit na halaga, kung saan tambak ang convenience fee. RNT