Home NATIONWIDE GCash sa legit sellers: Money Protect ‘di ‘reversal’ product

GCash sa legit sellers: Money Protect ‘di ‘reversal’ product

MANILA, Philippines- Pinawi ng mobile wallet GCash ang pagkabahala ng online merchants o sellers ukol sa pinakabagong insurance product na nagbibigay-daan na maprotektahan ng ang kanilang money transfers mula sa scam at fraud.

“GCash Send Money Protect is a personal cyber insurance that provides extra protection against common types of scams, such as social engineering and online shopping fraud,” pahayag ng GCash, ayon sa ulat.

“It is not a transaction refund or reversal product,” giit nito.

Hiningan ng komento ang GCash matapos paalalahanan ng ilang online sellers ang kanilang customers na iwasang gumamit ng “Send Money Protect” kung saan sinabi ng iba na hindi sila tatanggap ng bayad sa pamamagitan ng  GCash dahil sa bagong feature na ito.

Nitong linggo, inilunsad ng Globe-backed fintech ang Send Money Protect o SMP, na mabibili sa halagang P30 para sa insurance ng Express Send o GCash to GCash money transfers sa loob ng 30 araw para sa maximum amount na P15,000 sakaling ma-scam sila.

Sa gitna ng pagkabahala ng online sellers, inihayag ng GCash na sakaling mapatunayang na-scam ang isang user, “the coverage will be provided by the insurer, Chubb” at hindi kakaltasin sa receiver.

“Legitimate online sellers have nothing to worry about SMP as adequate controls are in place to ensure this feature cannot be exploited by scammers,” anito. RNT/SA

Previous articleNetizens pinag-iingat ng PNP-ACG kontra cyber liber
Next articleGrupo sa DepEd: Polisiyang pagkalos ng admin tasks mula sa mga titser mahigpit na ipatupad