Home ENTERTAINMENT Gendear, tinawag na Pandemic Diva!

Gendear, tinawag na Pandemic Diva!

2067
0

Manila, Philippines – Surely, marami sa mga batang 90’s ang nakakakilala sa recording artist na si Gendear Fernandez. Siya lang naman ang nagpasikat ng kanyanf Unang Pag-ibig na super hit nu’ng mga panahon na ‘yun.

This time, nagbabalik sa music scene si Gendear at ni-revive pa niya ang Unang Pag-ibig

Yes, nagbabalik sa music scene si Gendear after more than three decades na paghinto sa pagkanta.

Ang kanyang hit single na Unang Pag-ibig ay tumanggap noon ng Best Country Ballad Recording award sa Awit Awards nu’ng 1993. As As of the moment ay active ngayon si Gendear sa paggawa pa ng mga original na awitin na dapat abangan.

Sa kasalukuyan, si Gendear ay masayang maybahay at biniyayaan din ng nasa Itaas ng dalawang anak na babae na parehas ding magaling mag-compose at umawit.

“It’s all God’s Grace,” sabi ni Gendear hinggil sa pagbabalik niya sa industriya ng entertainment. Hindi raw niya akalain na marami ang susuporta sa kanya.

Ayon pa kay Gendear, napakabuti ng Panginoon, “God blessed me with a verysupportive husband and children.”

Ganu’n din ang mga magulang niya na natuwa din sa pagbabalik niya sa pag-awit.

Nagkuwento siya sa unang single niya at sa kanyang pamilya.

“I recorded Unang Pag-ibig when I was 15 years old (1990) and released it under Dear Production (my parents) and distributed thru Ivory Records.

“Unang Pag-ibig is unrequited love song or we usually say hugot song.

“It is about nagmamahal na nabigo at iniwan but hoping na bumalik pa rin ‘yung minahal niya. Kung tatanugin ninyo ako if this song is about my story, it’s not. In fact, the reason why I recorded it again and release it sa Spotify cause noong ni-record ko ang Unang Pag-ibig noong 1990 ay ‘di ko pa naman masyadong naiintindihan yung song and yung boses ko ay boses bata pa at walang masyadong emosyon. ‘Di ko pa naman kasi narasanan ang mabigo.”

Pagpapatuloy pa niya, “The composer of all my original songs is Albert Reyes but I did some changes sa melody and some of the lyrics.

“Kaya rin ako nagbabalik, kasi since hindi ako nagtuloy-tuloy umawit, yung mga songs na ginawa for me noon, ngayon ko pa lang ire-record at ire-release as album sa Spotify and all digital platforms.

“You can watch and listen the very first recording of this song sa YouTube ko Gendear Fernandez.

“I uploaded it kasi di pa uso noon ang CD, cassette tape pa siya noon. Hindi ko naman itinuloy-tuloy ang pag-awit dahil nag-focus akong mag-aral. Then after college, I worked in the corporate sa Tektite Ortigas, then sa government (Development Academy of the Philippines) sa San Miguel Ave., Ortigas, na na-meet ko ang husband ko, si Allan Visitacion.

“Parehas na dalaga na ang anak namin, si Chesca ay 2nd year college na sa UP Baguio, BS Physics. Pangarap niyang maging scientist at mag-work sa NASA. Iyong bunso naman namin ay si Maxine, grade 11 sa Home School Global. ‘Yung mga anak ko talagang musikera, they composed songs and play guitar and piano and they also sing and have their YouTube channel.”

Tuwang tuwa siya nang ibalita sa kanyang Gendear FB page na iri-remake niya ang kanyang kantang Unang Pag-ibig dahil sa suporta ng mga dati niyang followers noong siya ay nagsisimula at dahil sa marami pa rin ang naka-alala ng kanyang awit na ito. Marami ang nag-encourage na siya nga ay bumalik.

Kainitan nga ‘yun nang pandemic nang maisip ni Gendear na pagbigyan ang kanyang nga supporters at bumalik sa pag-awit.

Kaya naman sa naganap na mediacon ay nabansagan agad siyang Pandemic Diva.

“Okay lang naman sa akin ‘yung Pandemic Diva, at least may title,” sakay pa ni Gendear sa bansag sa kanya ngayon.

Hindi bago kay Gendear ang mag-perform sa entablado dahil 15 pa lang siya ay maraming pagkakataon na siyang nag-concert kasama ang mga sikat na singers noon gaya nina Richard Reynoso, Jennifer Mendoza, Jojo Abellana, Billy Joe Crawford, na 10 years old pa lang noon.

Ngayon ay muling aawit si Gendear at may mga pagkakataon pang makakasama niya ang kanyang dalawang dalaga na mahilig ding umawit.

Last December 19, 2022 ang araw kung saan binuksan muli ni Gendear ang pagpe-perform sa pamamagitan ng kanyang solo concert na ginanap noon sa Hotel Supreme, Baguio City. Super successful ang concert niya at naantig din ang puso ng mga nanood nang ipaalala ni Gendear na bagama’t masakit ang naranasan natin sa ating unang pag-ibig, huwag natin kalilimutan na ang unang nagbigay at nagparamdam sa atin ng pagmamahal ay ang Panginoon na nagbuwis ng buhay dahil sa pag-ibig sa atin.

“Kaya naman kung mayroon tayong pinagdadaanan, isipin natin ang Panginoon ang una at huli, ang Panginoon ang lahat… Hindi mawawala ang pag-ibig ng Panginoon sa atin kung tayo ay susuko sa Kanya at tatanggapin Siyang Panginoon,” pagpapa-alala pa ni Gendear.

Sa darating na August 12 ay muling sasabak sa concert si Gendear sa Pier 1 na tinawag niyang Gendear Take 1 @ Pier 1.

Nang tanungin namin siya kung ano ang ibig sabihin ng Take 1 sa kanyang concert, ang sagot niya’y, “Take 1 cause I am looking forward for Take 2, 3, and so on.”

Very positive ang singer na masusundan pa muli ang mga show niya sa Pier 1, gayondin sa iba’t iba pang lugar sa Pilipinas at maging sa ibang bansa kung saan ay mayroon na siyang imbitasyon na mag-perform sa Perth, Australia. Siya ay regular co-host din sa Radyo Natin Perth (On-line), tuwing Biyernes 7:30-8:30PM. JP Ignacio

Previous articlePagbaha sa Bulacan isinisi ng gobernador sa damaged gate ng Bustos dam
Next articleHigit 462K double registrants kinalos ng Comelec

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here