Manila, Philippines – Sumalang sa Fast Talk with Boy Abunda kamakailan ang singer-actress na si Geneva Cruz.
Ayon kay Geneva, feeling daw niya ay pinakamayaman sa Cruz clan ang kanyang tiyuhin at FDCP chair na si Tirso Cruz III.
Bow naman siya sa ganda ni Donna Cruz na para sa kanya ay prettiest sa kanilang angkan.
Pinakaguwapo naman para sa kanya ang kanyang Uncle Pip at ang magkapatid na Rayver at Rodjun.
Itinuturing naman niyang pinaka-sexy ang pinsang si Sunshine Cruz.
Aminado naman siyang at some points in her life ay naging baliw siya sa pag-ibig.
Isa raw sa mga leksyong natutunan niya sa pakikipagrelasyon ay hindi dapat magpadalus-dalos pagdating sa love.
Itinuturing daw niyang first marriage ang kasal niya kay KC Montero dahil iyong union daw nila ni Paco Arespacochaga ay legally annulled in the first place.
Aniya, wala raw naman siyang bitterness kung nauwi man sa hiwalayan ang kanyang relasyon sa kanyang mga ex.
Katunayan, masaya raw siya dahil may kanya-kanya nang mga pamilya ang dalawa.
Sa kabila ng mga pinagdaanan, hindi raw naman siya cynical, ampalaya o na-trauma pagdating sa pag-ibig.
Matigas daw kasi ang ulo niya kaya hopia pa rin siya na mahahanap ang kanyang true love dahil hopeless romantic daw siya.
Mas ganado rin daw siyang magtrabaho ngayon dahil na-revive ang passion niya for performing. Archie Liao