Home ENTERTAINMENT Gerald at Julia, nagsalita na sa isyung kasal na!

Gerald at Julia, nagsalita na sa isyung kasal na!

Manila, Philippines – Going strong supposedly ang relasyon nina Gerald Anderson at Julia Barretto since they admitted it last March 2021.

Dagdag pa ni Gerald, marami na raw silang pagsubok na pinagdaanan but then mas nananaig ang tiwala nila sa isa’t isa.

Pagpapatuloy pa niya, maraming ups and downs daw ang kanilang relationship.

Ang importante raw, alam naman nilang pag naka-experience ka ng down, aangat ulit. Basta always stay humble, aangat pa rin.

Hmmm. Stay humble raw talaga, o! Bwahahahahaha!

Honestly, malaki na ang ipinagbago ni Gerald since he has acquired a certain kind of popularity and status.

Anyway, tinanong siya ng working press sa ABS CBN Ball kung kailan sila magpapakasal.

“Mas marami pang problema sa mundo ngayon kesa ano,” he said.

“Pero you know, darating tayo (riyan). Basta, basta.”

Prior to this, mas nauna nang pinabulaanan ni Julia last September 8, ang haka-hakang kasal na raw sila ni Gerald.

Julia asseverated, “No, walang ganun, walang ganun. Walang secret-secret! Mahirap magka-secret na ngayon sa mundong mabilis ang balita!”

Ang tanging nasabi lang ni Julia ay happy naman daw sila sa takbo ng kanilang relasyon.

Hence, wala raw siyang nakikitang rason para madaliin ang paglagay sa tahimik.

“Sobrang excited, ” she added, “Bakit niyo ba kami minamadali?

“We’re just really happy where we are right in life. I mean, it’s something to look forward to.”

Anyway, mas happy siya sa pagdalo niya ngayon dahil kasama na niya ang kanyang nobyo.

“Kanina ko pa sinasabi na I’m really excited to be here, but I’m even more excited that I get to walk and attend this event with Gerald. So, we’re so excited.”

On the side, Gerald was also asked about his feelings now that Julia’s with him.

“Wala akong (suot na) jewelry tonight. Ito (Julia) yung jewelry ko tonight. Check niyo yung Instagram ni Julia Barretto, ayon yung ano ko, jewelry ko.”

Anyhow, apart from the fact that Julia’s with him, it gives him a good feeling also to socialize with his peers.

“Yung magkikita-kita ulit yung mga nakasama natin sa trabaho and yung mga makakasama pa natin at mga kaibigan nating matagal na nating hindi nakasama, it’s celebration.

“Forever grateful, the fact na nandito tayong lahat, we have all the opportunity to be together, it’s a great privilege sa atin.” Pete Ampoloquio Jr.

Previous articleBong Go sa gov’t agencies CYBERSECURITY PALAKASIN VS RANSOMWARE ATTACK
Next articleTop 1 MWP kulong sa rape sa Nueva Ecija