Home ENTERTAINMENT Gerald, magpapakasal kay Julia, may kundisyon!

Gerald, magpapakasal kay Julia, may kundisyon!

324
0

Manila, Philippines – Sa guesting ni Gerald Anderson sa Iskovery Night Season 2, hosted by Isko Moreno, sinabi niya na si Julia Barreto na ang the right one para sa kanya at napag-uusapan na rin naman daw nila ang tungkol sa kanilang future lalo pa’t more than two years na silang magkarelasyon.

Ngunit mariin naman niyang dinenay na engaged na sila ni Julia at married na ang status nila ngayon.

Hirit ni Isko, “So, for now, for the record, you’re not married?”

“No, no, no,” ang tugon naman ni Gerald.

Natanong din ni Isko kung may plano ba siyang magpakasal, “Of course, of course. In the coming years, pero medyo parang… sigurista ako, eh, gusto ko parang nandoon na… gusto ko relax, medyo relax tayo, hindi na kailangang laging nagpupuyat sa trabaho.”

Ang ibig sabihin sabihin ni Gerald, kung lalagay na nga sila ni Julia sa tahimik ay yung talagang financially stable na siya. Magpapayaman muna siya nang husto.

Ipinagdiinan pa niya na hindi siya naniniwala sa palaging sinasabi ng karamihan na, “Basta mahal ninyo ang isa’t isa, puwede nang magpakasal.”

Sang-ayon naman si Yorme sa sinabi ng boyfriend ni Julia at nag-dialogue pa ng, “Hindi ‘yan nakakabayad ng kuryente ha!”

“Exactly! Praktikal lang,” pagsang-ayon din ni Gerald kay Yorme.

Samantala, sa ilang taong pagsasama nila ni Julia bilang mag-jowa ay wala silang masyadong pinagdaanang isyu at naging magaan naman ang kanilang pagsasama.

“Doon mo talaga malalaman na masaya ka talaga, kasi hindi mo na binibilang, eh (tagal ng pagsasama),” sabi pa ni Gerald. Rommel Placente

Previous articleAntas ng tubig sa mga dam sa Pinas, alamin!
Next articleAksyon ni PBBM vs onion cartel, smuggling pinuri ni Bong Go

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here