Manila, Philippines- Hindi na kailangang idaan sa kontra salita ang anumang sinabi ng kapwa mo. Sabi nga: “Actions speak louder than words.”
Ito ang tila paniniwala ni Gerald Anderson bilang reaksyon sa tinuran ng dating nobyang si Bea Alonzo.
Naitanong kasi ni Boy Abunda ang 35 anyos na aktres kung willing ba siyang makipagkaibigan kay Gerald, not now but in the future?
Tahasang sinagot ito ni Bea ng: “Hindi!”
Aniya, ayaw niyang maging kaibigan ang taong “I cannot trust, somebody who doesn’t take full responsibility for his actions.”
Partikular na tinukoy ni Bea ang tinuran ni Gerald sa past interview ni Boy kung saan the actor denied having ghosted Bea.
But Bea insisted on Boy’s afternoon program Fast Talk: “He did!”
Mula sa guesting na ‘yon ni Bea ay wala pang reaksyon si Gerald.
Sa halip ay makikita sa kanyang social media account ang mga sweet photos nila ng kasalukuyang nobyang si Julia Barretto.
So sweet na mula sa isang sports center sa Maynila kung saan naglaro ng basketball si Gerald hanggang makarating sila sa Botolan, Zambales ay lalanggamin sila sa sobrang ka-sweet-an.
Ayon sa mga netizens, sapat na raw ang mga litratong ‘yon bilang sagot ng aktor sa pahayag ni Bea.
Natutuwa naman ang mga netizens kay Julia na kung hindi pa raw kasama ni Gerald na mamasyal sa Botolan ay hindi pa ito maaarawan.
Laging naka-beanie at sunglasses si Julia while taking leisurely walks with her boyfriend. Ronnie Carrasco III