Home NATIONWIDE German wind, solar developer, nangako ng P392.4B sa renewable energy sa Pinas

German wind, solar developer, nangako ng P392.4B sa renewable energy sa Pinas

MANILA, Philippines – NAGPAHAYAG ng interest ang nangungunang German wind at solar farms developer na wpd GmbH na mamuhunan ng P392.4 bilyon para sa renewable energy sector sa Pilipinas.

Ang investment commitment ay isinagawa sa pakikipagpulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga opisyal ng wpd GmbH na pinangunahan ni Björn Nullmeyer, chief finance officer ng kompanya, sa Berlin, Germany, araw ng Martes.

“The wpd GmbH plans to invest PHP392.4 billion in the Philippines to set up offshore wind farms in Cavite, Negros Occidental, and Guimaras, the biggest undertaking registered with the Board of Investments (BOI) in February last year,” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil.

“The President met the wpd GmbH officials in Berlin to discuss status updates on the BOI-registered OSW (offshore wind) projects Cavite and Negros (1 & 2) Projects with a combined capacity of 3,260 MW (megawatts) valued at PHP400 billion,” dagdag na wika ni Garafil.

Nagbigay din aniya ng update ang wpd GmbH officials kay Pangulong Marcos ukol sa bagong solar, onshore, at P137 bilyong halaga ng offshore wind projects na may kasamang rated capacity na 1,662 MW sa Aklan, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, Iloilo, Bulacan, Mindoro, at Antique.

Sa naturang pulong, nagpahayag naman ng kumpiyansa si Pangulong Marcos na ang German firm ay makapagdadala ng modern technology sa Pilipinas kung saan may plano itong maglagay ng offshore wind farms sa bansa.

Ang mga offshore wind farm ay tumutukoy sa mga pasilidad ng pagbuo ng enerhiya ng hangin na matatagpuan sa mga anyong tubig, na maaaring kabilang ang mga karagatan, dagat o malalaking lawa.

Sa pamamagitan ng pag-install ng mga wind turbine na malayo sa lupa, posibleng makuha ang mas malakas na hangin.

“Thank you for coming in and to continue having an interest in the Philippines. I think that it is a very fertile investment especially for your industry, and business. And we are of course, like everybody else, working very hard to move the share of energy production and fossil fuels to renewable and wind, solar, hydro, and nuclear,” ang sinabi ni Pangulong Marcos ayon sa PCO.

“So, I hope we can avail [of] these new technologies now because all our wind farms now are land-based, we haven’t done anything offshore. So, we have much to learn from organizations like yours on how to handle it. What would be the capital requirements? What would be technical requirements?” dagdag na wika ni Pangulong Marcos.

Tinuran pa rin niya na ang pamumuhunan sa energy sector ay mahalaga dahil sa “industrialization thrust” ng administrasyon na mayroong sapat na suplay ng enerhiya na mahalagang bahagi ng plano nito sa hinaharap.

Nauna rito, nagtayo si Pangulong Marcos ng commercially-operated wind farm sa kanyang bayan sa Ilocos Norte, ito ang kauna-unahan sa Southeast Asia, noong siya ay gobernador pa lamang ng lalawigan.

Ani Pangulong Marcos, habang ang Pilipinas ay mayroong magandang bilang ng wind farms, kailangan pa rin nito ang mas maraming dalubhasa para idetermina ang “potential at suitable areas” para sa mga bagong wind farms.

Umaasa naman ang Pangulo na sasamantalahin ng Pilipinas ang bagong teknolohiya sa wind power. Kris Jose

Previous articlePBBM makikipagpulong kay Blinken sa susunod na linggo
Next articleLalaki na gumahasa sa paslit, pinatay na, nilaslasan pa ng ari