Home NATIONWIDE Germany magbibigay ng karagdagang drones sa PCG

Germany magbibigay ng karagdagang drones sa PCG

MANILA, Philippines- Nangako ang Germany na daragdagan ang suporta nito sa Philippine Coast Guard (PCG) sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas maraming drone at pagsasanay para sa mga tauhan, sabi ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gavan noong Huwebes matapos makipagpulong kay German Foreign Minister Annalena Baerbock.

Bumisita si Bearbock sa PCG headquarters upang inspeksyunin ang dalawang drone at iba pang equipment na donasyon ng Germany sa Pilipinas noong nakaraang taon. Sinubukan din niyang paliparain ang isang drone.

“Germany could bring in around four or more drones,” sabi ni PCG spokesman Rear Admiral Armand Balilo, idinagdag pa na ang delivery ay isinasapinal pa.

Sinabi ni Gavan na gagamitin sa operasyon sa West Philippine Sea ang karagdagang drones mula Germany kapag ito ay dumating na.

Aniya pa, malaki ang ang suporta ng Germany lalo na sa gitna ng patuloy na agresyon ng China sa West Philippine Sea. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleHigit 700 Pinoy apektado ng pagsasara ng kompanya sa New Zealand
Next articleNTF-ELCAC: Anti-terror law masusubok ng kaso vs 11 ‘rebelde’