Home NATIONWIDE Gesmundo sa mga bagong judge: Maging maingat sa pag-post sa social media

Gesmundo sa mga bagong judge: Maging maingat sa pag-post sa social media

Pinayuhan ni Supreme Court Chief Justice Alexander G. Gesmundo ang bagong trial court judges na maging responsable at ingatan ang kanilang pangalan at posisyon at pagganap sa tungkulin.

Sa kanyang talumpati sa idinaos na Oath taking sa mga bagong hukom ipinaalala ni Gesmundo na dapat maging maingat ang mga hukom dahil tiyak na dadaan ang mga ito sa mapanuring mata ng social media.

“You should be the good examples in the communities where you are assigned.  All your actuations are under scrutiny these times of social media,” ani Gesmundo.

Sinabihan ng Punong Mahistrado ang mga bagong judge na maging mas maingat lalo pa sa panahon ngayon na madaling sirain ng social media ang reputasyon ng sinuman.

Marapat aniya na tumalima ang mga judge sa Code of Judicial Conduct na nagsasaad kung paano ang tamang kilos ng isang miyembro ng hudikatura.

Binigyan diin ni Gesmundo na kung aktibo sa sociam media ang isang judge, kailangan alam nito kung ang inilalabas niya sa social media au pang personal o bilang isang judge.

Samantala, tiniyak din ni Gesmundo sa mga trial court judges ang proteksyon ng SC laban sa mga walang kapararakan o imbentong kaso na maaring ibato sa mga hukom sa paganap nila sa tungkulin.

Gayunman, nagbabala ang SC na mapapatawan naman ng parusa ang sinuman na mapapatunayan na magpabaya sa tungkulin at nakagawa ng pagkakamali. Teresa Tavares

Previous articleUnang tigil-putukan sa gitna ng Israel at Hamas nagsimula na
Next articleBarangay konsi, tanod sa Midsayap niratrat ng bala sa rido