MANILA, Philippines- Dedepensahan ng abogadong si Jessica Lucila “Gigi” Reyes, dating chief of staff ni ex-Senator Juan Ponce Enrile, ang kanyang sarili sa plunder case laban sa kanila kaugnay ng umano’y misuse ng pork barrel.
Sa pagdinig nitong Martes, inihayag ng kanyang abogado sa korte na si Reyes mismo ang ang huling testigo sa kanyang depensa.
Pakikinggan ng Sandiganbayan Third Division a ng kanyang testimonya sa Nov. 14.
Maaaring magsumite si Reyes ng judicial affidavit bilang kanyang direct testimony subalit kailangan pa ring sumailalim sa cross examination.
Matatandaang hindi pinayagan ng korte ang hirit ni Reyes na maghain ng demurrer to evidence, na naglalayon ng agarang pagbasura sa sa kanyang kaso matapos makapagpresenta ng ebidensya ang prosekusyon.
Nakipagsabwatan umano siya kay Enrile, kasalukuyang chief presidential legal counsel, sa pagbulsa ng P170 million halaga ng kickbacks kapalit ng paglipat ng kanyang Priority Develpment Assistance Fund (PDAF) o pork barrel sa bogus non-government organizations na kontrolado ng negosyanteng si Janet Lim Napoles.
Pinalabas si Reyes was released mula sa Taguig City Jail noong Enero matapos ang siyam na taong detensyon.
Noong November 2013, idineklara ng Supreme Court ang PDAF na unconstitutional, dahilan upang kalusin ito. RNT/SA