MANILA, Philippines – Nabigo ang Gilas Pilipinas sa Dominican Republic sa kanilang laban sa Group A ng FIBA Basketball World Cup nitong Biyernes, Agosto 25.
Ito ay sa iskor na 87-81, na ginanap sa Philippine Arena.
Nakakuha si Jordan Clarkson ng 28 puntos bago na-foul out sa nalalabing 3:50 ng laro.
Ilang beses naman nakabwenas ang Dominican Republic na nakakuha ng bola sa rebound.
Samantala, nakakuha ng 26 puntos ang Minnesota Timberwolves star na si Karl Anthony Towns ng Dominican Republic.
Kasama rin dito ang kanyang 10 rebounds.
Matatandaang tinutukan ng mga fans ang laban ng Pilipinas nitong Biyernes, Agosto 25, laban sa Dominican Republic at nakapagtala pa ng bagong record sa FIBA World Cup na may pinakamaraming nanood sa opening day sa 38,115 attendees. RNT/JGC