Home SPORTS Gilas Pilipinas Girls swak sa finals ng FIBA ​​U16 Asian Championship

Gilas Pilipinas Girls swak sa finals ng FIBA ​​U16 Asian Championship

MANILA, Philippines – Dinomina ng Philippine national girls’ basketball team ang Malaysia, 79-44, sa semifinals ng FIBA ​​U16 Women’s Asian Championship noong Sabado sa Jordan para mag-book ng slot sa Division B finals ng tournament.

Nagsimulang humiwalay ang Gilas Pilipinas Girls sa second quarter nang i-outscore nila ang Malaysia, 30-14, sa nasabing frame para tapusin ang first half sa 45-27 pabor sa kanila.

Nakontrol ng nationals ang laro nang nilimitahan nila ang Malaysia sa 17 puntos lamang sa second half para masungkit ang tiket sa finals.

Pinangunahan ni Ava Fajardo ang Gilas Girls sa kanyang 20 points at 10 rebounds habang nagposte rin ng double-double na 10 points at 11 rebounds si Ariel Star De La O.

Nanguna sa Malaysians si Shing Ting Ophelia Wong na may 16 puntos.

Sa panalo, makakalaban ng Gilas ang Iran sa finals ngayong madaling araw ng Lunes (oras ng Manila) kung saan magkakaroon sila ng pagkakataong ma-promote sa Division A.JC

Previous article‘Bagong Pilipinas’ gov’t rebranding ni PBBM susuriin ng Makabayan bloc sa budget deliberations
Next articleSabrina, ‘di mag-iisyu ng public apology, palaban!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here