Home SPORTS Gilas sasabak kontra Taiwan Mustangs bago OQT

Gilas sasabak kontra Taiwan Mustangs bago OQT

MANILA, Philippines – May ilang linggo pa bago ang FIBA ​Olympic Qualifying Tournament (OQT), makakaharap ng Gilas Pilipinas ang Taiwan Mustangs sa isang send-off exhibition match sa Lunes sa Philsports Arena.

Sa isang Facebook post, sinabi ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na ang Pilipinas, na haharapin ng  Pilipinas ang Mustang bago sumabak kontra sa heavyweights Georgia at Latvia sa OQT sa unang bahagi ng susunod na buwan.

Magtatapos ang  tune-up sa ganap na  6 p.m. at libre ang pagpasok.

Inaasahang palalakasin ni naturalized player Justin Brownlee ang Nationals, kasama sina June Mar Fajardo, CJ Perez, Chris Newsome, Calvin Oftana, Dwight Ramos, Scottie Thompson, Kai Sotto, Kevin Quiambao at Carl Tamayo.

Ang mga miyembro ng pool na sina Jamie Malonzo at AJ Edu ay inaasahang di lalaro sa OQT dahil sa injuries, ngunit sina Japeth Aguilar at Mason Amos ay nakatakdang punan ang mga puwang.

Bahagi si  PBA guard Alex Cabagnot ng Mustangs, na pinamumunuan ni Coach Chris Gavina.

Si Dwight Howard, part-owner ng Mustang, kasama ang  kapwa manlalaro ng NBA na sina DeMarcus Cousins at Quinn Cook ay pumirma kamakailan sa koponan para makipagkumpetensya sa The Asian Tournament.

Pero hindi sigurado kung makakalaban nila ang Gilas, ayon sa ulat.

Kakailanganin ng Gilas na manalo sa parehong laro laban sa Georgia at Latvia, o kahit isang laro sa malaking margin, upang posibleng makapasok sa crossover semifinals.

Isa sa apat na natitirang slots sa Paris Olympics ay nakataya  sa OQT.JC