DUMAGUETE CITY- PATAY ang ginang matapos saksakin ng suspek na may problema umano sa pag-iisip habang naglalakad ang una, noong Lunes sa lungsod na ito.
Kinilala ang biktimang si Ginalyn Ortega, may-asawa, at taga Brgy. Calo, San Jose Negros Occidental.
Nadakip naman ang suspek na kinilalang si Michael Katada, taga Taclobo Dumaguete City.
Batay sa report ng Dumaguete City Police Station, bandang 2:20 PM ng maganap ang krimen sa tapat ng gasolinahan sa panulukan ng Locsin St at Real street, ng naturang lungsod.
Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, nakita sa CCTV na naglalakad ang biktima ng sundan ito ng suspek at pagsapit sa nasabing lugar bigla na lamang niyang sinaksak sa likod.
Nakalakad pa ng ilang hakbang ang biktima pero kalaunan at bumulagta rin sa kalsada.
Tinulungan naman ito ng pedicab driver na dalhin sa ospital subalit dineklara na rin dead-on-arrival ng doktor.
Matapos ang krimen kaswal na naglakad ang biktima patakas bitbit ang ginamit na patalim.
Kaagad naman nagsagawa ng manhunt operation ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakadakip nito sa Purok Santan, Barangay Taclobo.
Nakakulong ngayon sa Dumaguete City Police Station ang suspek ay nahaharap sa kasong pagpatay.
Ayon sa mga saksi may pagala-gala sa lugar ang suspek at may problema ito sa pag-iisip na posibleng mapag-tripan nito ang biktima./Mary Anne Sapico