Home METRO Ginang na papuntang kapilya pinaulanan ng bala

Ginang na papuntang kapilya pinaulanan ng bala

BATANGAS – Pinaulanan ng bala ang isang ginang na papunta lamang sa kapilya ng nakamotorsiklong suspek sa Padre Garcia.

Nasa apat na tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ng 46-anyos na biktima, ayon sa pulisya.

Sinisilip ng awtoridad ang koneksiyon sa pagpatay nakaraang pamamaril din sa mister ng biktima.

Ayon kay Police Captain Ramil Malipol, hepe ng Padre Garcia Police station, binaril din at napatay noong 2019 ang mister ng babae.

“Tinitingnan pa lang namin ngayon ay yung pagkamatay ng asawa niya noong 2019 and then naghi-hearing pa sila ngayon, so ‘yon ang aming tinitingnan. May lead na kami, hindi pa lang mai..[release], kailangan pa namin ng confirmation,” paliwanag ni Malipol.

Sinabi naman ng mga kaanak ng mga biktima na wala silang alam na nakahidwaan ng biktima. RNT