Home METRO Ginang na tulak ng droga balik-kulungan

Ginang na tulak ng droga balik-kulungan

SANTIAGO CITY – Balik-kulungan ang isang 38-anyos na ginang sa ikinasang drug buy bust operation ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Unit (PDEA) Region 2, Santiago City Intelligence Unit at Presinto 2 ng Santiago City Police Office (SCPO) sa kanyang inuupahan bahay sa Lachica Purok 5,, Barangay Rizal dito sa nasabing lungsod.

Kinilala ang ginang na si Jonalyn Saraos, walang asawa at tubong Brgy. Bugallon Proper, Ramon, Isabela na tinaguriang High Value Target ng otoridad.

Nasamsam mula sa pinaghihinalaan ang humigit kumulang limang (5) gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) na P34,000.

Kabilang ang isang plastic sachet na naglalaman din ng hinihinalang shabu na may timbang na 65 gramo na tinatayang aabot sa halagang P442,000, dalawang (2) heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na apat (4) na gramo at na nagkakahalaga ng P27,200 at buy bust money na P16,000 na kinabibilangan ng dalawang tunay na P1,000 bill.

Napag-alaman na pang-apat na beses nang nahuli ang ginang sa kaparehong transaksaksyon sa illegal drugs.

Nahaharap ang ginang sa kasong may kinalaman sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rey Velasco

Previous articleKris, nag-food trip!
Next articleMister kulong sa pagdaliri sa ari ng batang babae