Home ENTERTAINMENT Ginang Ongpauco at Chiz, nag-bonding; Netizen, emosyunal!

Ginang Ongpauco at Chiz, nag-bonding; Netizen, emosyunal!

Manila, Philippines – Very apt ang paglalarawan ni Heart Evangelista sa naging bonding ng kanyang inang si Cecile Ongpauco at asawang si Senator Chiz Escudero.

Nasaksihan ng marami ang kanilang pag-uusap na may kasama pang tawanan nang umattend si Ginang Ongpauco nang i-renew nina Heart at Chiz ang kanilang vows.

Naganap ito sa Balesin Island kung saan ikinasal din ang couple seven years ago.

Both Heart’s parents didn’t show up at their wedding back then.

Sa kanilang renewal of vows, only Heart’s mom made it dahil ang asawa nitong si Rey ay nasa Amerika for medical treatment.

Pinusuan naman ng mga netizens ang nasaksihan nilang light moments between Cecile and Chiz.

As for Heart, she described it as a lovely moment to see.

Kasabay nito’y ang patunay sa kasabihang “Time heals all wounds.”

In hindsight, matatandaang taong 2013 nang sumiklab ang alitan sa pagitan nina Chiz at mga magulang ni Heart.

Hayagan ang pag-ayaw ng partido ni Heart kay Chiz who Cecile even branded as a “manipulative opportunist.”

Taong 2015 nang magpakasal ang dalawa.

Kahit paano’y humupa nang bahagya ang intense emotions on the part of Heart’s party.

At nito ngang February 15, 2024 ay tuluyan nang kinalimutan ng parehong partido kung nakaraan.

Pero hindi roon nagtapos ang kasiyahan ng mga netizens.

Nananalangin din kasi ang mga ito na ganoon din daw sana ang mangyari sa pagitan ng partido ni Sarah Geronimo at asawa nitong si Matteo Guidicelli.

Taong 2020 when Sarah and Matteo tied the knot, bagay na inilihim ng una sa kanyang mga magulang.

Ever since, Sarah’s parents disapproved of Sarah’s relationship with Matteo.

Mula noon, ni isang pagtatanghal ni Sarah ay hindi sinipot ni Mommy Divine.

Maging ang makadurog-pusong spiel noon ng singer-actress in one of her concerts ay binalewala lang ng mga magulang nito.

Hiling ng mga netizens, sana’y mag-ala Cecile Ongpauco rin si Divine Geronimo at matanggap nito nang lubusan ang pinakasalan ng kanyang anak.

Mangyari naman kaya? Ronnie Carrasco III

Previous article4 sugatan sa sunog sa Sta. Mesa
Next articleRape victims inakusahan ni Quiboloy na may ‘Potiphar’s wife syndrome’