REAL, Quezon- Nagkikisay ang isang ginang matapos makuryente ng isaksak ang electric fan sa loob ng kanilang bahay, iniulat kaninang umaga sa bayang ito.
Kinilala ang biktimang si Merced Arogante, 53-anyos, residente ng Purok Ilaya, Brgy. Pandan, Real ng nasabing lalawigan.
Batay sa report ng Real Municipal Police Station, sinaksak ng biktima ang outlet ng electric fan subalit aksidente umano itong dumikit sa open wire.
Sa lakas ng boltaheng pumasok sa katawan ng biktima nagkikisay ito hanggang sa mawalan ng malay.
Isinugod naman ng mga kaanak ang biktima sa ospital subalit idineklara na rin itong patay ng umatending doktor.
Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente. Mary Anne Sapico