Home METRO Ginang, timbog sa 170K na shabu sa Valenzuela

Ginang, timbog sa 170K na shabu sa Valenzuela

MANILA, Philippines – SHOOT sa selda ang isang babae na di-umanoy sangkot sa iligal na pagbebenta ng droga matapos itong madakip ng mga pulis makaraan magsagawa ang mga ito ng buy-bust operation laban sa suspek sa Valenzuela City.

Nakapiit sa detention cell ng Valenzuela City Police ang suspek na kinilalang si Sheila Marie Jayme y Sarmiento alyas “Shiela”, 44, residente ng Blk. 6, Lot 1, Lupang Sinilangan, M Delos Reyes, Barangay Gen T De Leon ng nasabing lungsod.

Ayon sa imbestigasyon ni PSSg Carlos Erasquin Jr may hawak ng kaso, dakong alas-7:40 ng umaga ng magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Valenzuela City Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Joel Madregalejo laban sa suspek sa F Francisco St., Brgy. Gen T De Leon.

Base sa ulat ng pulisya, isang undercover na pulis ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek at nagawang makabili ng iligal na droga at nang ibigay nang suspek ang binili na shabu ng undercover na pulis agad itong inaresto ng iba pang operatiba na nakapaligid sa nasabing lugar.

Narekober sa suspek ang nasa 25 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P170,000, isang genuine P500 pesos na may kasamang walong P1,000 pesos boodle money at kulay pula na coin purse.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa section 5 and 11 under Article II of RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Valenzuela City Prosecutors Office. R.A Marquez

Previous articleBulkang Taal nagbuga ng record-high sulfur dioxide
Next articleBarge sumadsad sa sand bar sa NegOr