Home NATIONWIDE GIP, TUPAD beneficiaries may diskwento sa gamot sa piling botika sa Davao

GIP, TUPAD beneficiaries may diskwento sa gamot sa piling botika sa Davao

169
0

MANILA, Philippines – Makakatanggap ng diskwento sa gamot ang mga benepisaryo ng Government Internship Program (GIP) at ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) sa alinmang HB1 Pharmacy sa Davao Region simula Setyembre 1,2023.

Ito ay matapos lumagda ang Department of Labor and Employment (DOLE) Regional Office No. XI at LTS Retail Specialists, Inc. (HB1 Pharmacy) sa isang kasunduan na nagbibigay ng diskwento sa gamot para sa mga benepisaryo ng programa ng DOLE GIP at TUPAD.

Ayon sa labor department, kwalipikadong makikinabang sa programa ang tinatayang nasa 120,000 benepisyaryo ng TUPAD at 4,000 benepisyaryo ng GIP.

Limang porsyento ang makukuhang diskwento ng mga benepisyaryo sa piling gamot.

Ginanap ang seremonya ng paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) sa DOLE XI Regional Office, Davao City noong 22 Agosto 2023.

Ang DOLE XI ay kinatawan ng Regional Director nitong si Atty. Randolf C. Pensoy at Assistant Regional Director Atty. Jason P. Balais, habang ang mga kinatawan ng HB1 ay sina Assistant Vice President Corazon C. Wee at Merchandising Manager Almarin Patubo.

Samantala, makikinabang din sa programang diskwento ang mga kawani ng DOLE XI. Maaari silang makakuha ng diskwento sa gamot mula sa 50 sangay ng HB1 sa Davao Region.

Sinab ni ARD Balais na ang TUPAD ID, ay discount card na rin ngayon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleEO 39 suportado ng Soccsksargen, BARMM rice traders
Next articleLotto Draw Result as of | September 6, 2023

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here