Home NATIONWIDE Giyera muling kinondena ni Pope Francis

Giyera muling kinondena ni Pope Francis

VATICAN CITY- Inihayag ni Pope Francis nitong Linggo na ang giyera ay “crime against humanity” sa patuloy niyang panawagan ng kapayapaan sa Ukraine at sa Middle East.

“Let us not forget this…People need peace, the world needs peace,” anang papa sa kanyang lingguhang Angelus prayer.

Sa kanyang panalangin, hinikayat niya ang mga indibidwal na huwag kalimutan ang mga nagdurusa dahil sa “cruelty of war” sa iba’t ibang panig ng munfo. Umapela siya ng kapayapaan para sa Ukraine at sa giyera sa Gaza.

“Let us pray that those who have power over these conflicts reflect on the fact that war is not the way to resolve them, as it sows death among civilians and destroys cities and infrastructure,” wika niya.

Nitong Linggo ang ika-100 araw mula nang atakihin ng Hamas gunmen Israel, dahilan ng kampanya ng hulu upang buwagin ang Hamas na kumitil sa libo-libong Palestinians at puminsala sa Palestinian enclave. RNT/SA

Previous articleOTC sa unconsolidated jeepneys: Mula Peb. 1 ‘wag bumiyahe kung ayaw mahuli
Next articleJK, nag-sorry sa pari!