Manila, Philippines- No female celebrity can sit better as a judge in a beauty search for young girls than Gladys Reyes.
Herself a contestant in Little Miss Philippines many years ago, nanumbalik sa aktres ang alaala nito ngayong isa siya sa mga hurado ng Mini Miss U na segment sa It’s Showtime.
Gladys took to her Instagram account her judging stint.
Isang netizen ang kaagad nakapansin ng kanyang ilong.
Anito: “Bakit nagkaganoon ang ilong ni Ms. Gladys?”
May pahiwatig ang netizen na ang pagbabago sa ilong ni Gladys ay dahil nagparetoke ito.
Natawa lang ang aktres, sabay sabing: “Hindi po. Nag-lose kasi ako ng weight.”
In fairness, isa si Gladys sa mga artistang hindi nadapuan ng kamay ng cosmetic doctor.
Isa rin si Gladys sa mga artista who has a pair of shapely legs kaya malakas ang loob niyang magsuot ng bestida o palda above the knees.
Sa pangkalahatan, mula ulo hanggang paa’y nanatiling untouched ‘yon by the wonders of science.
Bagama’t she has nothing against fellow celebrities who go under the knife, kuntento na si Gladys kung ano ang ipinagkaloob sa kanya.
Aminado rin ang aktres na “liability” niya ang kanyang dibdib.
Katwiran niya, hindi naman daw siya nakilala bilang sexy star.
As regards to undergoing rhinoplasty, kung ginusto raw niya ay ‘di sana noong bata-bata pa siya. Ronnie Carrasco III