Home NATIONWIDE Global air travel, 68.5% na ng pre-pandemic level!

Global air travel, 68.5% na ng pre-pandemic level!

70
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa 68.5% ng pre-pandemic level ang global air traffic nitong 2022, ayon sa International Air Transport Association (IATA).

Ang air traffic na sinusukat sa pamamagitan ng revenue passenger kilometers o RPK, ay umarangkada ng 64.4% mula sa nitong 2021.

“The industry left 2022 in far stronger shape than it entered, as most governments lifted COVID-19 travel restrictions during the year and people took advantage of the restoration of their freedom to travel,” ani Willie Walsh, director general ng IATA, sa pahayag nitong Lunes, Pebrero 6.

“This momentum is expected to continue in the New Year, despite some governments’ over-reactions to China’s re-opening,” dagdag pa niya.

Tumalon din ng 152.7% ang international traffic mula 2021, kung saan ang RPKs ay umabot ng 62.2% mula sa 2019 level nito.

Ayon sa World Tourism Organization (UNWTO), nasa 63% ng pre-virus level ang international tourism noong 2022, doble mula sa datos nang 2021.

Nasa kabuuang 917 milyon na turista ang bumiyahe noong nakaraang taon o tumaas ng 101.6% kumpara noong 2021.

Samantala, ang domestic air travel naman ay tumaas ng 10.9% sa year-on-year hanggang sa 79.6% ng pre-pandemic level nito. RNT/JGC

Previous articleLeBron bagong NBA scoring King
Next articleBoxing: Marcial handa na vs Villalba sa Pebrero 11