Home NATIONWIDE Global air travel lumago ng 96.1% sa pre-pandemic levels noong Mayo

Global air travel lumago ng 96.1% sa pre-pandemic levels noong Mayo

285
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa 96.1% ng pre-pandemic level ang air traffic sa buong mundo noong Mayo, ayon sa International Air Transport Association (IATA) nitong Huwebes, Hulyo 6.

Ang air traffic na sinusukat sa pamamagitan ng revenue passenger kilometers (RPKs) ay tumalon ng 39.1% sa year-on-year noong Mayo.

“We saw more good news in May. Planes were full, with the average load factors reaching 81.8 percent,” pahayag ni Willie Walsh, director general ng IATA.

Samantala, lumago rin ng 36.4% ang domestic air traffic kung kaya’t naungusan na rin ang pre-pandemic level ng 5.3% noong Mayo.

Ang International traffic naman ay tumaas ng 40.9% mula sa nakaraang taon, at ang RPK ay umabot na sa 90.8% ng 2019 level.

“Domestic markets reported growth on pre-pandemic levels. And, heading into the busy Northern summer travel season, international demand reached 90.8 percent of pre-pandemic levels,” ani Walsh.

Sa hiwalay na datos ng IATA, bumaba naman ang global demand para sa air cargo na sinusukat sa pamamagitan ng cargo ton-kilometers, ng 5.2% kumpara noong Mayo 2022. RNT/JGC

Previous articleFarmer’s debt condonation ‘di makaaapekto sa kita ng pamahalaan – Diokno
Next articleCong. Teves nais dumalo sa SONA ni PBBM

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here