Global COVID-19 fundraising gig, pangungunahan ng film, pop stars

Global COVID-19 fundraising gig, pangungunahan ng film, pop stars

June 22, 2020 @ 7:52 PM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

London – Pangungunahan ng international music at film stars ang globally televised at streamed fundraising concert sa Sabado upang tumulong sa laban ng COVID-19 bilang bahagi ng joint initiative ng advocacy group Global Citizen and the European Commission.

Tinawag ang inisyatibong “Global Goal: Unite For Our Future,” na layong makalikom ng bilyong dolyar sa pribado at pampublikong donasyon upang tumulong na bawasan ang impact ng pandemya.

Ayon sa pop star na si Miley Cyrus, higit na tinatamaan ng pandemya ang mahihirap at marginalised na tao.

Si Dwayne ‘The Rock’ Johnson ang host nito, kung saan itatampok sina Cyrus, Chloe x Halle, Christine and the Queens, Coldplay at Shakira at iba pa, at kasama ang mga aktor na sina Charlize Theron at Hugh Jackman maging ang retiradong soccer star David Beckham.

“We need our world leaders to commit the billions of dollars needed to develop and equitably deliver testing, treatments and vaccines,” ani Hugh Evans, Global Citizen’s chief executive.

Sinabi ni European Commission President Ursula Von Der Leyen na ang concert na ito ay magaganap din sa pledging summit, kung saan ang mga artist, siyentipiko at world leaders will “commit to helping the world end coronavirus, while leaving no one behind.” Ulat mula sa Reuters

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...