Home NATIONWIDE Global democracy index ng Pinas bahagyang bumuti

Global democracy index ng Pinas bahagyang bumuti

69
0

MANILA, Philippines – Bahagyang bumuti sa ika-52 pwesto sa 167 mga bansa ang Global Democracy Index ng Pilipinas nitong 2022.

Sa kabila nito, klasipikado pa ring “flawed democracy” ng London-based think tank na The Economist Intelligence Unit (EIU) ang pwestong ito ng Pilipinas, bagamat bahagyang bumuti mula sa dating ika-55 pwesto noong 2020 at ika-54 pwesto noong 2021.

Sa ulat ng EIU nitong Huwebes, Pebrero 2, nakapagtala ng score na 6.73 out of 10 noong 2022 ang bansa, mas mataas ng bahagya mula sa 6.62 noong 2021.

Ang pagsukat ng EIU ng annual index ay batay sa score na makukuha mula sa 60 indicators na nakagrupo sa limang kategorya: electoral process and pluralism, functioning of government, political participation, political culture at civil liberties.

Makaraang mabilang ang puntos, ikakategorya naman ito sa apat na uri ng pamumuno — full democracy, flawed democracy, hybrid regimes at authoritarian regimes.

Ayon sa 2022 report, ang Pilipinas ay tinawag na mayroong “flawed democracy” na nangangahulugang mayroon pa rin itong malaya at patas na eleksyon, respected basic civil liberties bagama’t may nakikitang kahinaan sa ibang aspeto ng demokrasya kabilang ang pamumuno, politika at partisipasyon. RNT/JGC

Previous articleWalang plano sa permanent US base sa Pinas – Austin
Next articleLakers nakabawi sa Pacers