MANILA, Philippines – Magsasama-sama ang global rice stakeholders, na gaganapin Philippine International Convention Center (PICC) sa Oktubre 16 hanggang 19, para palaguin ang sektor ng agrikultura partikular na ang rice sector.
“At the International Rice Congress (IRC) 2023, we can learn about recent advancements in genetic, digital and nature-based solutions, offering valuable insights to address the various challenges faced by the rice industry in the Philippines,” sinabi ni Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian sa pahayag na inilabas ng International Rice Research Institute (IRRI).
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magiging host ang Pilipinas ng IRC, na nagsimula noong 2022.
Ayon sa IRRI, ito ang pinakamalaking pagsasama-sama ng stakeholders mula sa rice-based food systems sa buong mundo.
Layon ng conference ngayong taon na magkaroon ng solusyon at inobasyon na makatutugon sa mga kritikal na isyu sa agrikultura, climate change, food and nutrition security, environmental sustainability at human and economic development.
“While IRRI is excited to showcase cutting-edge technology, and breakthrough studies and innovations from different parts of the world during IRC 2023, we would like to emphasize the urgency to focus the discussions on how to provide holistic science-based solutions to the combined impacts of climate extremes, looming rice crisis, conflict and economic shocks to the rice value chain,” sinabi ni IRRI director general Jean Balié. RNT/JGC