Home HEALTH Global health risk sa COVID mataas pa rin – WHO

Global health risk sa COVID mataas pa rin – WHO

MANILA, Philippines – Nananatiling mataas ang mga panganib sa kalusugan ng publiko sa buong mundo mula sa sakit na coronavirus 2019, ngunit hindi ito maliwanag, habang ang mga pagkamatay ay kapansin-pansing bumaba mula noong dalawang taon na ang nakakaraan, sinabi ng isang eksperto ng World Health Organization (WHO) sa paghahanda sa pandemya.

“The public risks from Covid remain high. And this is globally. We have a pathogen circulating in all countries,” sabi ni Dr. Maria Van Kerkhove, na pinuno ng WHO’s epidemic and pandemic prevention section sa UN press conference.

Aniya, ang datos na nakabatay sa kaso na iniulat sa WHO ay hindi isang reliable indicator at hindi ito naging reliable indicator sa loob ng ilang taon.

Maaari daw ipahiwatig ng ilang datos mula sa ilang bansa na nawala na ang virus, gayunman ito raw ay hindi.

Ipinapakita ng datos ng WHO na ang bilang ng mga kaso na naiulat sa buong mundo sa nakalipas na 28 araw ay ‎286,562, habang ang bilang ng mga namamatay sa buong mundo sa loob lamang ng dalawang taon ay higit sa pitong milyon.

Sinabi ni Van Kerkhove na ang aktwal na sirkulasyon ng sakit ay nasa pagitan ng dalawa at 19 na beses na mas mataas kaysa sa iniulat.

“So, the virus is circulating. And what’s difficult right now is that the virus continues to evolve,” sabi ng WHO doctor. “We have a virus that will continue to change as we let it circulate rapidly”.

Gayunpaman, ang bilang ng mga namamatay ay nabawasan nang husto mula noong ito ay tumaas ilang taon na ang nakalilipas, ngunit mayroon pa ring humigit-kumulang 10,000 pagkamatay sa isang buwan.

“And that’s only data from 50 countries. Among those 10,000 deaths reported in December, more than half are reported from the United States of America, and 1,000 from Italy.”

Sinabi ni Van Kerkhove na nawawala ang mga pagkamatay sa mga bansa mula sa buong mundo dahil ang mga bansa ay hindi nag-uulat ng datos ang mga ito. Ngunit, hindi aniya nangangahulogan na ang mga pasyente ay hindi namamatay.

Sinabi ni Kerkhove na may 42 percent at 62 percent increase sa hospitalization at ICU admissions nang tignan ang datos mula Disyembre kumpara noong Nobyembre.

Ayon kay Kerkhove, inaasahan na Ang mga bilang na iyon ay patuloy na tataas dahil A holiday season kung saan may mga pagtitipon. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articlePaayuda nagagamit kapalit ng lagda sa people’s initiative; DSWD mag-iimbestiga
Next articleLalaking may deformed face na niyakap ni Pope Francis noong 2013, yumao na