Home HEALTH Global life expectancy natapyasan ng 2 taon sa COVID-19

Global life expectancy natapyasan ng 2 taon sa COVID-19

MANILA, Philippines- Sinabi ng World Health Organization (WHO) na binawasan ng COVID-19 ang life expectancy ng halos dalawang taon nang umusbong ito mula 2019 hanggang 2021, na winakasan ang isang dekada ng pag-unlad.

“The COVID-19 pandemic reversed the trend of steady gain in life expectancy at birth and healthy life expectancy at birth,” sabi ng UN health agency .

Bumaba ang global life expectancy ng 1.8 taon hanggang 71.4 na taon, ang parehong antas noong 2012, ayon sa taunang pag-aaral sa istatistika ng kalusugan ng WHO.

Ang dami ng oras na maaaring asahan ng karaniwang tao na mamuhay sa mabuting kalusugan ay bumaba ng 1.5 taon hanggang 61.9 taon noong 2021– gayundin ang antas ng 2012, sinabi ng pag-aaral.

Mas malala ang epekto kumpara sa mga natuklasan ng isang pag-aaral na inilathala ng Lancet noong Enero, na nagsabing ang average na pag-asa sa buhay ay bumaba ng 1.6 na taon sa panahon ng pandemya.

Sinabi ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ang COVID-19 ay may higit na “profound impact” sa life expectancy kaysa anumang ibang kaganapan.

Natukoy ang Amerika at timog-silangang Asya bilang mga rehiyon na pinakamalubhang tinamaan, na ang life expectancy ay bumaba ng humigit-kumulang tatlong taon, ayon pa sa WHO.

Base pa sa ulat, ang Western Pacific ay ang naaranas ng pinakamaliit na epekto, na ang life expectancy ay bumaba ng 0.1 taon lamang. Jocelyn Tabangcura-Domenden