Home NATIONWIDE Global unemployment lalala ngayong 2024 – UN

Global unemployment lalala ngayong 2024 – UN

MANILA, Philippines – Bahagyang tataas ang global unemployment rate ngayong taon, sinabi ng United Nations nitong Miyerkules, Enero 10 kasabay ng pangamba ng “stagnant productivity,” lumalalang inequalities at inflation.

Ayon sa labor agency ng UN, mabagal ang recovery ng mundo mula sa COVID-19 pandemic, lalo na sa nagpapatuloy na geopolitical tensions at patuloy na inflation.

Anila, ang global growth noong 2023 ay bahagyang mataas sa inaasahan, habang ang labor markets ay nagpakita ng kakaibang “resilience,” sinabi ng International Labor Organization.

Sa kabila nito, bumaba ang real wages sa karamihan ng G20 countries dahil bugong makasabay ang sahod sa bilis ng inflation.

Ang 2022 global unemployment rate ay nanatili sa 5.3 percent at bahagyang bumuti noong nakaraang taon sa 5.1%.

Sa kabila nito, inaasahang maghahanap ng trabaho ngayong 2024 ang karagdagang dalawang milyong manggagawa, na magpapataas sa unemployment rate sa 5.2%. RNT/JGC

Previous articleAcute gastroenteritis outbreak idineklara sa Baguio
Next articleMga residente ng BARMM hinimok na bumoto sa 2025 parliamentary elections