Home ENTERTAINMENT Gloc-9, nagkwento sa pinagmulan ng Sirena!

Gloc-9, nagkwento sa pinagmulan ng Sirena!

Manila, Philippines- Passion talaga ng kilalang rapper na si Gloc-9 ang pagkanta kaya kahit nag-aaral siya ng nursing noon ay di mawaglit sa isip niya ang musika.

Kaya naman kahit nakapagtapos na siya ng nursing ay binabalik-balikan pa rin niya ang pag-awit.

Ayon sa pamosong rapper, idolo raw talaga niya noon ang master rappers na sina Francis M at Andrew E.

Napakalaking impluwensiya rin raw ng mga ito sa kanyang musika lalo na sa pagra-rap.

Sobra rin daw siyang napabilib ng namayapang si Francis M nang makasama niya ito sa isang show.

Kahit daw nilangaw ang show at anim lang ang nanood, ibinigay pa rin daw nito ang kanyang 100 percent at di nabawasan ang dedikasyon nito para mag-perform.

Naibahagi rin ng rapper ang kwento sa likod ng kanyang awiting ‘Sirena’  na kanyang pinasikat.

Aniya, ang partisipasyon daw ni Boy Abunda sa music video ng nasabing awitin ay aprubado ng LGBT community.

Pinagmitingan daw at binusisi ang lyrics nito para hindi makaka-offend sa sensibilidad ng LGBT.

Nagpapasalamat daw siya na niyakap naman ito ng komunidad at sinang-ayunan maging ng King of Talk. Archie Liao

Previous articleMansion ni Daniel, binebenta!
Next articleADVANCED RESIDENCY TRAINING NG FILIPINO DOCTORS SA AMERIKA, PINAG-ARALAN NG DOH