Home HOME BANNER STORY Gluta drip session ni Mariel sa Senado sinita ni Binay

Gluta drip session ni Mariel sa Senado sinita ni Binay

MANILA, Philippines- Lubhang ikinabahala ni Senador Nancy Binay ang inugali ni Mariel Rodriguez, isang showbiz personality nang isagawa ang kanyang gluta grip session sa tanggapan mismo ng kanyang asawa, si Senador Robin Padilla.

Ipinalabas ni Binay, chairman ng Senate committee on ethics, matapos mag-post si Rodriguez ng kanyang larawang nagpapakita na nagsasagawa siya ng glutathione drip sa harap ni Padilla.

Tinanggal na ang post ni Rodriguez pero naging viral ito ng ilang oras.

“I’m not sure if the Ethics Committee can extend its jurisdiction dito sa nangyaring insidente since hindi naman member ng Senado si Ms. Mariel. But we also need to closely look into it because it involves issues of conduct, integrity, and reputation of the Institution and matters that concern health and safety,” ayon kay Binay, ang chairperson ng Senate Ethics Committee.

“Nakaka-bother lang dahil yung IV procedure was done inside the Senate premises na walang abiso mula sa clinic,” giit pa ni Binay.

Nabasa ang caption ni Rodriguez, “Drip anywhere is our motto! Hehehe. I had an appointment with @dripinluxeph but I was going to be late so I had it done in my husband’s office hehe. I never miss a drip because it really helps in soooo many ways. Collagen production, whitening, energy, metabolism, immunity, and sooo much more!!! So convenient and really effective. Tagalong talaga.”

Matagal nang ibinabala ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa panganib sa kalusugan sa paggamit ng IV glutathione, dahil hindi ito ligtas sa katawan ng tao.

“‘Yung gluta drip ay ni-declare na mismo ng DOH na unsafe, banned ng FDA, and it was administered outside the clinic without the proper medical advice from a licensed health professional,” ayon kay Binay.

“As public figures, sana aware din tayo sa responsabilidad natin sa publiko. We might be promoting something na ipinagbabawal at iligal, at akala ng mga tao eh okey lang. Isipin din natin may kasamang kapanagutan ang pagiging artista, lalo na kung senador ang asawa mo,” dagdag pa ng senadora.

Sa kabila ng maling inasal ng kabiyak, ipinagtanggol pa ni Padilla ang insidente dahil wala intensiong bastusin nito ang sinuman at gusto lamang nitong itaguyod ang “good looks and good health.”

“Nakakatawa naman po ang political isyu na ‘yan. My goodness. Kung may nakita po silang masama sa larawan na ‘yan. Paumanhin po. No intention of disrespect,” giit ni Padilla.

Samantala, iginiit ni Binay nitong Sabado na walang kinalaman ang kulay ng balat sa kalusugan o kagandahan, sa gitna ng pagsita sa kay Mariel sa nasabing larawan. Ernie Reyes

Previous articleMaja, aminadong boring ang may-asawa!
Next articleNationwide Simultaneous Earthquake Drill kasado sa Marso 25