Home ENTERTAINMENT GMA, damay sa hiwalayang Mavy at Kyline!

GMA, damay sa hiwalayang Mavy at Kyline!

Manila, Philippines- Kung totoo ang tsismis, hindi maganda sa imahe ni Kyline Alcantara ang dahilan ng umano’y pag-ayaw sa kanya ng pamilya ng nobyong si Mavy Legaspi.

Kung nakasanayan na natin ang balitang ang lalaki ang malimit na nananakit sa kanyang nobyo, allegedly it’s the other way around daw sa kaso ng break nang sina Kyline at Mavy.

Between the two, kalat na ang balitang si Kyline ang sadista.

Napuno na raw si Mavy, hence nangyari na nga ang dapat mangyari.

Mavy was reportedly forced by his parents Carmina Villaroel and Zoren Legaspi to break loose from the relationship.

Bale ba, mama’s boy pa raw mandin si Mavy kaya ganoon na lang kung proteksyunan siya ni Carmina.

Ang sabi, magri-release daw ng official statement ang side ni Mavy.

Ito ang inaantabayanan ng mga netizens.

Obyus na this will put Kyline in a bad light.

Napagtanto rin ng mga netizens kung bakit ang supposedly close sa isa’t isa na sina Kyline at Cassy (Mavy’s twin) are not on good terms.

Umabot pa nga ‘yon sa pag-unfollow nila sa isa’t isa on Instsgram.

Nagtataka naman ang maraming netizens kung bakit at paano napagtiisan ni Mavy ang “sadistang” nobya.

Sa laki at tangkad ni Mavy ay basta na lang siyang pumapayag na saktan ni Kyline?

Pagmamahal pa raw bang matatawag ‘yon?

Damay rin ang GMA na home studio ni Kyline sa usaping ito.

Why doesn’t GMA daw step in gayong homegrown artist nila si Kyline?

Bakit hindi raw ipinagtatanggol ng istasyon ang Legaspi family whose members are certified Kapuso stars?

Samantala, halatang umiiwas si Kyline nang mamataan ng ilang press sa isang concert.

Eh, paano nga naman niya kasi dedepensahan ang kanyang sarili sa balitang si Mavy pa ang “battered boyfriend”? Ronnie Carrasco III

Previous articleCherry Pie, umaming split na kay Edu!
Next article63 probinsya sapul sa El NiƱo – DOST