Manila, Philippines – Sa end of 2024 pa mag-e-expire ang kontrata ng Tape, Inc. sa GMA.
At dahil between now and 2024 ay marami pa ang puwedeng mangyari, hindi makasagot ang network big boss na si Atty. Anette Gozon-Valdes what future awaits the revamped Eat Bulaga.
Bagama’t hindi raw sila nakikialam sa produksyon nito, tahasang sinabi ni Valdes na so far ay masaya sila sa performance ng EB.
Maganda rin daw kasi ang ratings nito.
But as to the possibility na magpoprodyus ang GMA ng noontime program ay walang katiyakan.
Ang tiyak lang daw na mangyayari as of now ay walang nakalaang time slot should Willie Revillame decide to return to GMA.
Matatandaang pitong taon ding naging tahanan ng Wowowin ni Willie ang GMA until he left in February 2022 in favor of AllTV.
Ani Valdes, “‘Di ba, ang dati niyang time slot sa amin, eh, before 24 Oras? Eh, babalik na ang Family Feud dahil nabili uli namin ang franchise. So, walang time slot for him.”
Hypothetical lang naman kasi ang tanong sa balak ni Willie na bumalik sa GMA.
Eh, parang it has never crossed his mind.
Sa ngayon kasi’y mas maugong ang paglipat ni Willie sa state-run network na PTV4.
At saka si Willie ba ang tipo ng taong isinuka na nga niya ay isusubo pa uli?