MANILA, Philippines – Nilinaw ni dating Pangulo at Pampanga Rep Gloria Macapagal Arroyo na minasama ang kanyang naging aksyon at inakalang nagsisimula ito ng isang coup sa Kamara, giit nito, wala siyang balak na bumalik bilang House Speaker.
“When I learned that there were reports that I was suspected of plotting a ‘coup’ against Speaker Romualdez, I decided I must speak out to clarify my political position. Indeed, some of my actions may have been misconstrued, such as my recent trip with a delegation of Congressmen to Korea for some official meetings,” paliwanag ni Arroyo.
Aniya, ang kanyang hangarin ay malinaw, una ay gampanan ang tungkulin bilang kinatawan ng kanyang distrito sa Pampanga, ikalawa ay suportahan ang liderato ni House Speaker Martin Romualdez at ikatlo ay tumulong sa kasalukuyang administrasyon.
Pag-amin ni Arroyo na nang manalo bilang Pangulo si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ay naghangad ito na maging House Speaker subalit napagtanto nito na mas bagay sa posisyon si Romualdez.
“When President Marcos won, I wanted to aspire for the Speakership of the House. But it soon became apparent that he was most comfortable with then Congressman Martin Romualdez as Speaker. I quickly realized the wisdom embedded in that sentiment,” depensa ni Arroyo.
Sa naging sesyon noong Miyerkules sa Kamara ay napalitan si Arroyo bilang House Senior Deputy Speaker at iniluklok si Pampanga 3rd District Rep. Aurelio Gonzales Jr habang si Arroyo. Ang pwesto nito ang siyang posisyon ngayon ni Arroyo bilang Deputy speaker.
Sinabi ni Arroyo na ang naging balasahan ay “prerogative” ng Kamara. Gail Mendoza