Home NATIONWIDE Gobyerno pinamamadali sa infra maintenance, rehab

Gobyerno pinamamadali sa infra maintenance, rehab

128
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang American Chamber of Commerce of the Philippines, Inc (AMCHAM) sa pamahalaan na pabilisin na ang maintenance at rehabilitasyon sa kasalukuyang mga infrastructure projects.

Ayon kay AMCHAM Infrastructure and Logistics Committee Co-Chair Engr. Rynor Jamandre nitong Lunes, Pebrero 6, dapat ay bigyan din ng pagkakataon ng Pilipinas ang mga private at foreign investors.

“There should be a well coordinated construction, maintenance and rehab of projects. It’s not enough that we build. Construction is good but maintenance and rehab is lagging,” aniya.

Lubhang makatutulong umano ang transport projects sa paglikha ng mga trabaho.

“Make sure that choice of infrastructure are creating long term jobs and reduce poverty,” sinabi pa ni Jamandre.

Dapat din na magsimula ang mga development sa mga probinsya upang mapaluwag ang Metro Manila.

“A lot of the infrastructure should go to the country side because the only way to decongest Metro Manila is to actually get those infrastructure available in the provinces so we don’t have to pull in those human resources in Metro Manila,” pagbabahagi pa niya.

“The inflation in material costs slowed down construction. But I will preach that doing construction during recession year has its own advantages. Construction can sustain a portion of the demand to get the supply chain growing,” dagdag ni Jamandre.

“A lot of contractors are out of jobs, so you can negotiate better construction contract,” pagpapatuloy niya. RNT/JGC

Previous articleUP professor dinakip sa loob ng campus
Next articlePinas handang tumulong sa mga biktima ng lindol sa Turkey, Syria – PBBM