MANILA, Philippines – Aminado si Gilas Pilipinas naturalized player Justin Brownlee na special sa kanya ang gold medal na nakuha niya sa paglalaro para sa Pilipinas sa 32nd Southeast Asian Games.
“Sa dami ng aking mga nasalihang basketball tournament, kakaiba ang karanasan na makapaglaro sa SEA GAMES,” ani Brownlee.
Wala umanong kapantay ang kanyang naramdamang kasiyahan at karangalan matapos nilang masungkit ang gintong medalya sa paglalaro niya sa Gilas Pilipinas sa SEA Games.
Matatandaang tinalo ng Gilas ang sa finals ng basketball ang host country na Cambodia sa socre na 80-69.
Itinuturing na pagbawi ang panalo ng Gilas Pilipinas matapos na makuha sa kanila ng Indonesia noong nakaraang SEA Game sa Hanoi, Vietnam.JC