Home NATIONWIDE Golden Rose, iginawad ni Pope Francis sa Antipolo Shrine

Golden Rose, iginawad ni Pope Francis sa Antipolo Shrine

MANILA, Philippines – Iginawad ni Pope Francis sa International Shrine of our Lady of Peace and God Voyage sa Antipolo City, ang regalo ng Golden Rose sa mataimtim na seremonya na ginanap nitong Lunes ng umaga, Pebrero 26.

Ang Gintong Rosas o Rosa d’Oro ay dinala sa Antipolo Cathedral ni Archbishop Salvatore “Rino” Fisichella, ang kinatawan ng Papa at inialay sa paanan ng imahen ng Birhen ng Antipolo na tinatawag ding Nuestra Senora de la Pas y Buen Viaje.

Ito rin ang pinakamataas na pagkilala na ibinibigay ng personal ng Supreme Pontiff sa Marian image at shrine sa buong mundo dahil ito ay isang komisyong regalo mula mismo sa Papa, ayon sa Diocese of Antipolo.

Dinaluhan ang seremonya ng mga miyembro ng herarkiya ng Katoliko, mga lokal na politiko at iba pang mga dignitaryo.

Si Fisichella, na Pro-prefect ng Vatican para sa Seksyon ng New Evangelization ng Vatican’s Dicastery for Evangelization, ay nagdaos din ng misa pagkatapos ng ritwal ng pag-aalay ng Golden Rose.

Dumalo rin sa pagdiriwang ng Eukaristiya kasama ang ilang mga deboto si Antipolo Bishop Ruperto Santos, Shrine Administrator Rev. Fr. Reynante Tolentino, Rizal Governor Nina Ynares, at dating Antipolo Mayor Andeng Ynares.

Ang pag-aalay ng Rosa d’Oro ay nagmamarka ng unang pagkakataon na ang isang Marian shrine sa buong kontinente ng Asia ay nabigyan ng ganitong karangalan.

Eksaktong isang buwan na ang nakalipas, noong Enero 26, ang 450-taong-gulang na Antipolo Cathedral, ay pormal na idineklara na isang International Shrine sa isang solemne na misa na pinamunuan ng Papal Nuncio, na ginagawa itong unang shrine ng antas na ito sa Southeast Asia.

“In this shrine, there is a ladder that ascends to God. Accompanying us in this ascent to heaven is the Virgin Mary. She, with the cross, was commiserated by Jesus to care for each of us, as if we were her children,” sabi ni Fisichella. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleWala pang budget sa hiwalay na detention facility sa mga Muslim – DOJ
Next articleDelegasyon ng PH sa WHO session vs tabako, pinalagan sa Senado