Home METRO Gomahan, bahay nilamon ng apoy sa Bulacan

Gomahan, bahay nilamon ng apoy sa Bulacan

Bulacan- Isang imbakan ng goma at isang bahay ang naitalang nasunog sa magkahiwalay na lugar sa lalawigang ito nitong Miyerkules, Agosto 16.

Ayon sa Bulakan Fire Station, nag-umpisa ang sunog bandang alas-9:15 ng umaga sa imbakan ng goma sa Brgy. Maysantol, Bulakan habang naapula naman ito pagsapit ng alas-10:35 ng umaga.

Sa facebook post na nag-viral tungkol dito, nagbuga ng malaking itim na usok sa himpapawid ang nasunog na gomahan na ikinaalarma ng mga kalapit na residente.

Nabatid na walang naitalang nasugatan at namatay sa naturang sunog na patuloy iniimbestigahan ng kinauukulan.

Samantala, sa Facebook post pa rin ng umaga sa kaparehong petsa, isang bahay din ang nasunog sa Brgy. Virgen Delas Flores, Baliuag na pinagtulungang apulaihn ng mga residente habang nagihintay ng responde ng mga bumbero.

Habang sinusulat ito, patuloy na inaalam ang kabuuang detalye sa dalawang naturang sunog. Dick Mirasol III

Previous article2 coastal areas positibo pa rin sa red tide
Next articleWrit of kalikasan inisyu ng Korte vs operators sa Mt. Mantalingahan