
MANILA, Philippines- Bahagyang lumakas si Tropical Storm Goring, kung saan apat na lugar ang isinailalim sa Signal No. 1 sa pagkitlos nito sa southwest direction, ayon sa PAGASA nitong Biyernes ng umaga.
Hanggang kaninang alas-4 ng umaga, ang sentro ni Goring ay tinatayang 220 kilometers east southeast ng Basco, Batanes na may maximum sustained winds na 75 kilometers per hour malapit sa sentro, gustiness hanggang 90 km/h, at central pressure na 998 hPa.
Sinabi ng PAGASA na mabagal ang pagkilos ni Goring sa southwestward direction na mayroong “strong to gale-force winds extending outwards up to 160 km from the center.”
Umiiral ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa mga sumusunod na lugar:
Batanes
eastern portion ng Babuyan Islands (Babuyan Is., Camiguin Is.)
eastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Gattaran, Baggao, Peñablanca)
northeastern portion ng Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan)