Home HOME BANNER STORY Goring mabilis na lumakas; Signal No. 2 nakataas na sa ilang lugar!

Goring mabilis na lumakas; Signal No. 2 nakataas na sa ilang lugar!

MANILA, Philippines – Mabilis na lumakas at isa nang ganap na bagyo ang dati ay severe tropical storm Goring habang nasa dagat silangan ng Babuyan Islands.

Huling namataan ang sentro ng bagyo 200 kilometro silangan timog-silangan ng Calayan, Cagayan o 185 kilometro silangan hilagang-silangan ng Aparri, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 140 kilometro kada oras at pagbugso na 170 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa direksyong southwestward sa bilis na 10 kilometro kada oras.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa mga sumusunod na lugar:

Extreme northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga)

Extreme northeastern portion ng Isabela (Divilacan, Palanan, Maconacon)

TCWS No. 1 naman ang nakataas sa mga sumusunod na lugar:

Batanes
Babuyan Islands
Eastern portion ng mainland Cagayan (Lal-Lo, Gattaran, Baggao, PeƱablanca, Santa Teresita, Buguey, Camalaniugan, Aparri, Ballesteros, Allacapan)
Eastern portion ng Isabela (Maconacon, Dinapigue, San Mariano, San Pablo, Cabagan, Tumauini, Ilagan City, Divilacan, Palanan)
Northern portion of Aurora (Dilasag, Casiguran)

Inaasahan naman na magdadala ng ulan na 100 hanggang 200 mm ang bagyo sa eastern portion ng Cagayan at 50-100mm ng ulan sa Babuyan Islands, nalalabing bahagi ng mainland Cagayan, northeastern portion ng Isabela, Abra, northern portion ng Apayao, Ilocos Norte at Ilocos Sur.

“Forecast rainfall are generally higher in elevated or mountainous areas. Under these conditions, flooding and rain-induced landslides are possible especially in areas that are highly or very highly susceptible to these hazards as identified in hazard maps and in localities that experienced considerable amounts of rainfall for the past several days,” babala ng PAGASA.

Samantala, magdadala naman ng pabugso-bugsong mga pag-ulan ang southwest monsoon o habagat sa western portion ng Central Luzon, Southern Luzon at Visayas sa susunod na tatlong araw.

Ang Metro Manila naman, CALABARZON, MIMAROPA, nalalabing bahagi ng Central Luzon ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan at thunderstorm dahil din sa habagat.

Ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan o thunderstorm dahil sa habagat at localized thunderstorm. RNT/JGC

Previous articleLotto Draw Result as of | August 25, 2023
Next articleJose, aminadong ‘di marunong mapikon!