MANILA, Philippines – Itinanggi ni Bulacan Governor Daniel Fernando ang mga haka-haka na na-stroke siya matapos na hindi makapagsalita sa kanyang talumpati sa isang event sa gymnasium ng kapitolyo ng probinsiya kamakailan.
“Mga kababayan kong Bulakenyo, huwag po kayong mag-alala wala pong nangyari sa akin. Walang nangyaring stroke. Basta magpapahinga lang po ako,” ani Fernando.
Batay sa medical bulletin ng kanyang doktor, si Fernando ay dumanas ng pagod at dehydration. RNT