Home NATIONWIDE Gov’t agencies na ‘di tutulong sa onion smuggling investigation, kakasuhan-DOJ

Gov’t agencies na ‘di tutulong sa onion smuggling investigation, kakasuhan-DOJ

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Justice (DOJ) sa mga ahensya ng pamahalaan na hindi makikipagtulungan sa imbestigasyon kaugnay sa nagaganap na agricultural smuggling.

Iginiit ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na sasampahan ng reklamo sa Ombudsman ang alinmang ahensya na tatanggi na tumulong sa imbestigasyon.

Ayon sa kalihim, karaniwang nababasura ang mga kaso ng agricultural smuggling dahil sa kawalan ng ebidensya na kailangan upang maisulong ang kaso.

Upang matugunan ang problema, inayos ng DOJ ang case buildup system nito kung saan kailangan makuha ng mga piskal ang mga ebidensya na kailangan lumabas upang umusad ang kaso.

Binigyan-diin ni Remulla na kailangan ng matibay na batayan bago ibasura ng piskalya ang smuggling cases.

Nitong nakaraang Linggo, sinampahan ng reklamo ang anim na dati at kasalukuyang opisyal ng pamahalaan na may kaugnayan sa smuggling ng sibuyas.

Nakikipag-ugnayan na rin ang ang DOJ sa Bureau of Customs kaugnay naman sa rice smuggling cases. Teresa Tavares

Previous articlePatay sa baha sa Libya, 3,845 na!
Next articleDivorce bill, kinontra ng simbahan