Home METRO Gov’t contract worker utas sa buy-bust op

Gov’t contract worker utas sa buy-bust op

MANILA, Philippines – Patay ang isang government contract worker nang makipagpalitan ng putok ng baril sa mga pulis sa ikinasang buy-bust operation sa Calbiga, Samar nitong Lunes ng gabi, Enero 15.

Ayon sa Calbiga police, ang suspek ay tinukoy bilang si “Oming” na naka-transaksyon ng pulisya na nagpanggap na buyer, bandang 10:30 ng gabi nang mapansin ang presensya ng mga pulis dahilan para agad itong tumakas.

Nang habulin ito ng mga pulis, naglabas ng baril ang suspek at ilang beses na pinaputukan ang mga ito.

Nagresulta ito para gumanti ang mga operatiba at matamaan ang suspek, na agad nitong ikinamatay.

Narekober ng pulisya ang ilang sachet ng hinihinalang shabu, P3,000 cash, caliber .45 pistol, at magazine na may pitong bala. RNT/JGC

Previous articleFish delivery sa regional ports pumalo sa 47.9K MT noong Disyembre 2023
Next articleBI nagbabala sa mga mangingibang bansa: Mga dokumento, ‘wag dayain